Mahalagang pangyayari sa pagdating ng mga amerikano

Ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng Estados Unidos ay magmula 1898 hanggang 1946.

Kabilang sa mga kasapi nito si Admiral Dewey at Heneral Otis.Layunin ng Komisyon na alamin ang kalagayan ng kapuluan.Kabilang sa ulat ng Komisyon, pagkaraan ng isang taon, na ang mga Pilipino ay naghahangad ng kasarinlan at kalayaan; at kabilang sa kanilang mga mungkahi ang (a) pagiging hindi pa handa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan, (b) ang paglulunsad ng pamahalaang sibilyan sa halip na pinangangasiwaan ng isang gobernador na militar, (c) pagtatatag ng lehislaturang bikameral (ang lehislatura ay ang kapulungan ng mga tagapaglagda ng mga kautusan o batas), (d) paglulunsad ng mga pamahalaang mayroong awtonomiya sa mga antas na panlalawigan at pangmunisipyo, at (e) pagtatatag ng isang sistema ng walang bayad o libreng publikong mga paaralang pang-elementarya.Ang Ikalawang Komisyon ng Estados Unidos sa Pilipinas, na nakikilala rin bilang Komisyon ni Taft (Taft Commission), sapagkat ang pinunong komisyonero nito ay si William Howard Taft (si Taft rin ang unang gobernador na sibilyan ng Pilipinas), ay itinalaga ni Mc Kinley noong 16 Marso 1900.Binigyan ito ng kapangyarihang gumawa ng mga batas (umabot sa 499 ang bilang ng mga batas na nagawa mula 1900 hanggang 1902) at ng kapangyarihang magpatupad ng mga batas, kabilang na ang paglulunsad ng isang sistemang panghukuman, ng serbisyong sibil, ng kodigong legal, ng kodigong munisipal, ng Konstabularyo ng Pilipinas bilang isang puwersang pambuong kapuluan (Hulyo 1901).

Ang tatlong pangunahing mga haligi ng palatuntunan o programa ng pag-iwi ng Komisyong Taft sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga sumusunod: (a) kaunlarang pang-ekonomiya, (b) edukasyon, (c) paglulunsad ng mga institusyong kumakatawan o representatibo.

Noong Hulyo 1902, ipinatupad sa Pilipinas ang tinatawag na Philippine Organic Act (Batas Organiko ng Pilipinas) na maglulunsad ng nahalal na Kapulungan ng Pilipinas (Asamblea ng Pilipinas, o ang Mababang Kapulungan) at ng Mataas na Kapulungan na binubuo ng Komisyon ng Pilipinas na itinalaga ng pangulo ng Estados Unidos at may kakayahang magpasa ng batas hinggil sa mga Moro at mga taong hindi Kristiyano.

Dahil sa batas na ito, umiral sa Pilipinas ang Tala ng mga Karapatan (Bill of Rights) na umiiral na sa Estados Unidos, at nakapagpapadala ang Pilipinas ng dalawang komisyonerong residente sa Washington, DC na luklukan ng pamahalaan ng Estados Unidos na dadalo sa mga sesyon ng Konggreso ng Estados Unidos.

Naganap ang unang halalan para sa Mababang Kapulungan noong Hulyo 1907.

Ginanap ang unang sesyon nito noong 16 Oktubre 1907.

Noong 1902, binuwag ng Batas Organiko ng Pilipinas ang katayuan ng Katolisismong Romano bilang relihiyong pang-estado ng Pilipinas.